"Bawat hamon at dagok sa buhay kakayanin para sa
isang pangarap na nais tuparin"
Mahal naming guro Bb. Shiela Marie F. Sanchez at sa mga mamababasa isang
magandang umaga sa inyong lahat.
 Ang talumpating ito ay patungkol sa "KAHIRAPAN".

Kahirapan isang payak na salita ngunit tila isang cancer sa ating lipunan.
Nakakalungkot mang isiping hanggang ngayon isa pa rin ito sa pinakamalaking 
problema ng ating bansa na magpasa-hanggang ngayon ay
wala pa ring solusyon para dito.

Dapat nga ba isisi ito sa mga nakaupo sa pwesto ? O saatin na walang ginawa
 kung hindi ang mambatikos at maghintay sa mga maling kanilang ginagawa ?.
Ayon sa huling sarbey ng Social Weather Station (CWS) May 1, 2017. 
11.5 milyong pamilya ang itinuturing ang kanilang sarili na mahihirap kasama 
na dito ang mga kabataang hindi makapag-aral o hindi nag aaral.

Marami pang mga katanungan na gugulo sa ating mga pag-iisip ngayon at sa mga
susunod pang mga mga araw ngunit kung paano mo sasagutin ang mga
katanungang gumugulo o gugulo sa iyo ang siyang mag papasaya para 
sa iyong kinabukasan.

Bilang isa sa mga kabataang nais mag-aral at tuparin and kanilang 
pangarap anag kahirapan ay kailanman hindi dapat na maging dahilan para isantabi
ang pangarap sa buhay.
Hindi man magiging madali pero kakayanin dahil mas masarap ang tagumpay
lalo na kapag pinaghirapan. Dahil naniniwala ako na edukasyon ang solusyon sa 
kahirapan ng bawat isa sa atin at ng ating bansa.

Mga kamag-aral , kabataan at mambabasa mag aral tayo at ating pagyamanin ang ating kaalaman upang umangat sa buhay. Wag makuntento sa pang isang araw na buhay.
Dito na po nag tatapos ang aking talumpati at Magandang umaga.




By : Mel Lurissa Anacio





Sanggunian:

DWIZ 882 ., (January 2017). "Mga Pilipinong nagsasabi na sila ay mahirap bumaba sa taong 2016.http://www.dwiz882am.com/index.php/mga-pinoy-na-kinukunsidera-ang-sariling-mahirap-bumaba-sa-taong-2016/

Mga Komento